^

Punto Mo

Ang guwapong ­pasahero sa seat no.13

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ABALA ang flight attendant sa pag-check ng mga cabin dahil malapit nang mag-take off ang eroplano. Pagtapat niya sa isang lalaking pasahero nasa seat no.13, may ipinakiusap sa kanya ito: “Please remind my girlfriend  na huwag niyang kalimutan ang kanyang heart pills. Nasa Business Class siya, seat no. 8.”

“Sige po sir, pupuntahan ko siya”

Nakita naman kaagad niya ang sinasabing girlfriend. Nilapitan niya ito.

“Mam, huwag daw po ninyo kalimutan ang iyong heart pills.”

“Thank you pero paano mo nalamang may iniinom akong heart pills”

“Sinabi ng iyong boyfriend”

Biglang umiyak ang babae.

“Mam, may nasabi ba akong mali?”

“Ang boyfriend ko ay patay na. Ang kanyang bangkay ay nakasakay dito sa eroplano. Iuuwi ko ang kanyang bangkay sa kanyang pamilya.”

Natulala ang flight attendant. Dali-dali niyang binalikan ang lalaking kumausap sa kanya kanina. Bakante ang seat no.13. Kaya pala nang kinakausap siya ng lalaki, napansin niyang namumutla ito. Sa loob-loob niya, “Guwapo sana pero mukhang bangkay sa sobrang pagkaputla.” Iyon pala, totoong bangkay ang kumausap sa kanya!

PASSENGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with