^

Probinsiya

P170.1 milyon puslit na yosi nasabat ng Navy

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P170.1 milyon puslit na yosi nasabat ng Navy
Ang nakumpiskang P170.1 milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo sa seaborne operation ng Philippine Navy (PN) sa karagatang sakop ng Parang, Sulu nitong Biyernes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nakumpiska ng tropa ng Philippine Navy (PN) ang aabot sa P170.1 milyon na halaga ng puslit na siga­rilyo sa isang seaborne operation sa karagatang hindi kalayuan sa bayan ng Parang sa probinsya ng Sulu nitong Biyernes, August 14.

Kinumpirma nitong Lunes ng mga senior officials ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) at ni Army Major Gen. Jose Vladimir Cagara, commander ng Western Mindanao Command, ang pagkakum­piska ng 695 na kahon ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia.

Ilang mga tripulante na sakay ng bangka na kinalululanan ng mga puslit na yosi ang dinakip sa operasyon.

Naikasa ang anti-smuggling operation, base sa ulat ng mga local executives at mga lehitimong cigarette dealers sa Sulu at Tawi-Tawi hinggil sa nakatakda sanang paghatid ng naturang mga kontrabando sa mga negosyante sa mga coastal municipalities sa Zamboanga Peninsula, Lanao del Sur, Basilan at Sultan Kudarat.

Nasa magkatuwang na kustodiya na ng NCWM at Bureau of Customs (BOC) ang daan-daang kahon ng mga sigarilyong nasamsam sa PN anti-smuggling operation.

Ayon kay Cagara, nakumpiska rin ng mga kasapi ng Philippine Navy ang sasakyang pandagat na pinagkargahan ng nasamsam na abot sa P170.1 million na halaga ng sigarilyo.

Nakadetine na ang mga tripulante ng nasabat na sasakyang pandagat na may kargang smuggled cigarettes.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with