^

Metro

Metro Manila pinalubog ng Habagat

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila pinalubog ng Habagat
Nagmistulang dagat ang kahabaan ng España Blvd. nang umabot hanggang tuhod ang tubig baha dala ng Habagat.
Edd Gumban

‘Di tinantanan

MANILA, Philippines — Hindi tinantanan ng hambalos ng Habagat ang Metro Manila na nag­resulta ng pagkalubog ng ilang pangunahing kalsada.

Bandang ala-1 ng tanghali nang magsimulang humagupit ang ulan, nagdulot ng zero visibility at masikip na daloy ng trapiko.

Batay sa report ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA), alas-2:39 ng hapon ilan sa mga hindi na madaanan ng mga sasakyan ang España Boulevard kanto ng M. Dela Fuente St. sa Maynila na umabot sa 24 pulgada ang lalim ng baha, gayundin ang A. Bonifacio Cloverleaf at Araneta Ave­nue mula Maria Clara hanggang Florentino sa Quezon City na kapwa umabot sa 26 pulgada ang baha.

Sa Quezon City, hindi rin madaanan ng mga light vehicle ang ilang bahagi ng NS Amoranto, Araneta Avenue kanto ng E. Rodriguez, EDSA kanto ng East Avenue, Que­zon Avenue malapit sa Capitol Medical Center, at EDSA White Plains northbound dahil sa mataas na baha.

Ang lungsod ng Maynila ay lumubog din kung saan kabilang  sa mga apektadong lugar ang Rizal Avenue kanto ng Pampanga St., Abad Santos Avenue kanto ng Yuseco St. España Boulevard kanto ng Antipolo St, at Dos Castillas St kanto ng Dapitan St. May ilang bahagi naman ng Roxas Boulevard, Quirino Avenue, at Quezon Boulevard na nanatiling madaanan.

Naitala rin ang pagbaha sa ilang lugar sa Malabon, Caloocan, Mandaluyong, Marikina, Makati, Taguig, at Valenzuela. Kabilang dito ang Gov. Pascual Avenue sa Malabon, C3 Road kanto ng NLEX Connector sa Caloocan, at ilang bahagi ng EDSA service roads.

Ayon sa MMDA, karamihan sa mga binahang kalsada ay may gutter-deep hanggang knee-deep na baha, ngunit nananatiling passable ang ilang ruta. Ilang bahagi naman ng Quezon City, kabilang ang EDSA Aurora Tunnel at EDSA Aguinaldo Gate 3, ang naiulat na humupa na ang baha pagsapit ng hapon.

FLOOD

RAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with