^

Metro

Krimen sa Metro Manila bumaba ng 59.24 percent

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ng 59.24% ang naitalang krimen sa Metro Manila mula Agosto 10 hanggang 16, 2026, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa ulat, 64 insidente lamang ng walong focus crimes ang naitala ngayong taon kumpara sa 157 insidente sa kaparehong panahon noong 2025. Kabilang sa mga bumaba ang kaso ng theft, rape, physical injuries, homicide, robbery, carnapping ng motorsiklo, at murder, habang zero incident ang naitala sa carnapping ng sasakyan.

Tumaas din ang crime solution efficiency ng NCRPO mula 73.25% tungo sa 84.38%, habang nasa 87.50% ang crime clearance efficiency. Sa parehong panahon, 277 wanted persons ang naaresto, kabilang ang 107 Most Wanted Persons, at 170 iba pang wanted persons.

Sa kampanya kontra ilegal na droga, nakapagsagawa ang NCRPO ng 245 operasyon na nagresulta sa 305 naaresto at pagkakasamsam nang mahigit P10.7 milyong halaga ng ilegal na droga. Patuloy rin ang operasyon laban sa ilegal na sugal at loose firearms.

Ayon kay NCRPO Director PMGen. Anthony Aberin, ang pagbaba ng krimen ay dapat sabayan ng tuluy-tuloy na operasyon upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa Metro Manila.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with