^

Probinsiya

Lalaki utas sa saksak ng kainuman

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang saksakin ng kainuman sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Tanay, Rizal nitong Sabado.

Dead-on-arrival sa Army Station Hospital ang biktimang si alyas “Edwin”, habang tinutugis pa ang suspek na si alyas “Edward”.

Sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas 11:30 ng gabi ng Agosto 15, naganap ang insidente sa  Sitio Tarangkahan, Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal.

Habang nag-iinuman umano ang dalawa pasado alas-10:00 nang magsimula ang kanilang mainitang pagtatalo, hanggang sa mauwi sa suntukan at pananak­sak ng suspek.

Matapos ang pananaksak ay tumakas na ang suspek dala ang ginamit na patalim.

Isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit agad ring binawian ng buhay. Hindi pa tukoy ang dahilan ng pag-aaway.

ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with