Parak sinuntok ng brass knuckle ng sinitang estudyante, duguan

MANILA, Philippines — Duguan ang mukha ng isang 40-anyos na pulis makaraang suntukin gamit ang brass knuckle ng pasaway na estudyante na sinita nito sa skateboarding sa highway sa labas ng compound ng isang pampublikong eskuwelahan sa Brgy. Granada, Bacolod City, at Negros Occidental noong Biyernes.
Sa ulat ng Bacolod City Police, kasalukuyang naglalakad ang ilang pulis para sa kanilang lunch break nang madaanan nila ang isang grupo ng mga estudyante na nagkakarera sa skateboarding sa highway.
Nilapitan ng mga pulis ang mga estudyante at pinagsabihan na huwag mag-skateboarding sa highway dahil lubhang delikado at maraming tumatawid na estudyante saka mga magulang, mga bata, mag-aaral, at iba pa.
Gayunman, imbes na sumunod, bigla na lamang sinugod ng pasaway na estudyante ang nasabing parak na sinuntok nito ng brass knuckle kaliwang bahagi ng kanyang mukha na agad namang umagos ang dugo.
Ang nasugatang pulis na may ranggong P/Master Sergeant ay agad na isinugod sa klinika para malapatan ng pangunahing lunas at pinagpahinga muna sa trabaho bunga ng insidente.
Mabilis na tumakas ang nasabing estudyante gamit ang kaniyang skateboarding at bunga nito’y nagpanakbuhan din ang mga kasamahan nito.
- Latest




















