Torre, outstanding rotarian ng Rotary District 378

MANILA, Philippines — Dahil sa dedikasyon, malasakit, at makabuluhang kontribusyon sa kanilang mga komunidad, kinilala ng Rotary International District 378 si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Gen. Nick Torre III bilang isa sa Ten Outstanding Rotarians of the Year (TORY) sa ginanap na “Unite for Good” Awards Night kagabi sa Luxent Hotel, Quezon City.
Ayon kay Torre, ang pagkilala ay sumasalamin sa kanyang matagal nang paninindigan sa diwa ng serbisyo at paglilingkod sa publiko.
Bilang dating pangulo ng Rotary Club of New Manila Heights, isinabuhay ni Torre ang prinsipyo ng Rotary na “Service Above Self” sa iba’t ibang tungkulin na kanyang hinawakan sa pamahalaan.
Kabilang dito ang kanyang naging pamumuno bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Chief of the Philippine National Police bago italaga bilang MMDA General Manager.
Sa kabila ng pagbabago ng mga posisyon at responsibilidad, nananatili aniya ang pangunahing tungkulin ng isang lingkod-bayan—ang patuloy na maglingkod nang may integridad, malasakit, at dedikasyon para sa kapakanan ng mamamayan.
- Latest























