^

PM Sports

Eala haharap kay Ruse sa Cincinnati Open 2nd round

Chris Co - Pang-masa
Eala haharap kay Ruse sa Cincinnati Open 2nd round
Alex Eala

MANILA, Philippines — Kasado na ang second round opponent ni Alex Eala.

Sasagupain ng Pinay netter si Elena-Gabriel Ruse ng Romania sa round of 64 ng Cincinnati Open sa Lindner Family Tennis Center sa Mason, Ohio.

Nakakuha ng silya sa second round si World No. 77 Ruse matapos ilampaso si Magda Linette ng Poland sa pamamagitan ng 6-0, 6-3 demolisyon sa first round.

Nabiyayaan ang 21-anyos na si Eala ng opening round bye dahil hawak nito ang No. 17 seeding.

Target ni Eala na makaresbak kay Ruse matapos matalo sa kanilang unang paghaharap noong 2024.

Matatandaang naitarak ni Ruse ang 6-3, 1-6, 6-4 panalo laban kay Eala sa qualifying round ng 2024 edisyon ng US Open.

Kaya naman desidido si Eala na makabawi upang maitabla ang kanilang head-to-head matchup.

Galing si Eala sa kampanya sa National Bank Open sa Toronto, Canada.

Umabot ito sa fourth round ngunit natalo ito kay Belinda Bencic ng Switzerland, 4-6, 0-6.

Matapos nito, ilang araw din na nakapagpahinga si Eala kung saan nagawa nitong makapagpagupit at mag­paayos ng kuko.

May TikTok pa ito kasama si Grand Slam champion Coco Gauff.

Inaasahang dudumugin na naman ang mga venues na paglalaruan ni Eala sa Cincinnati Open gaya ng mga soldout stadium sa Toronto.

Malaki ang pasasalamat ni Eala sa mga kababayan nito na patuloy na sumusuporta sa kanya.

“Keep in mind that no culture can be summed up in just a couple of words. Filipino culture, and every culture in general, is very layered; it’s very layered. So when we say Filipino culture, it’s family, community, hospitality, love and kindness,” ani Eala.

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Eala sa Cincinnati Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with