^

Metro

‘Garbage Police’ sa Metro Manila ipinanawagan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos ang 16 na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila na magtatag ng dedikadong “Garbage Police” na magpapatupad ng mga ordinansa laban sa littering at maling pagtatapon ng basura.

Ayon kay Santos, makatutulong ang pagkakaroon ng hiwalay na garbage enforcement teams upang mas mahigpit na maipatupad ang mga umiiral na batas at mapanagot ang mga nagtatapon ng basura sa pampublikong lugar.

Iminungkahi niyang maging hiwalay na enforcement unit ang Garbage Police sa barangay tanod, kung saan ang mga tauhan ay sasailalim sa espesyal na pagsasanay at ide-deputize para sa pagmamanman at pagpapatupad ng ­solid waste management regulations.

Sinabi rin ni Santos na dapat tumanggap ng regular na buwanang kompensasyon ang mga miyembro ng Garbage Police mula sa naaangkop na pondo ng mga local government unit (LGU), alinsunod sa mga patakaran sa budgeting, accounting at auditing.

Dapat aniya silang mabigyan nang sapat na pagsasanay, mandato at kagamitan upang magsagawa ng enforcement operations sa mga kalsada, bangketa, daluyan ng tubig, palengke, transport terminals at iba pang littering hotspots.

Naniniwala si Santos na ang pagkakaroon ng Garbage Police sa bawat LGU ay magbibigay-daan sa mas mahigpit, tuluy-tuloy at koordinadong pagpapatupad ng mga batas laban sa pagtatapon ng basura sa buong Metro Manila.

SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with