Ex-PNP Custodial chief kulong ng 12 taon

Nakakulong na ex-vice mayor minanyak
MANILA, Philippines — Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng 12 taong pagkabilanggo si PLtCol. Jigger Noceda, dating hepe ng PNP Custodial Service Unit, matapos mapatunayang guilty sa kasong sexual harassment sa dating Ozamiz City Vice Mayor Princess Nova Parojinog noong taong 2020.
Sa 34-pahinang desisyon ni QCRTC Branch 98 Judge Maria Angelica P. de Ramos, inatasan nito si Noceda na bayaran si Parojinog ng kabuuang P150,000 bilang civil indemnity, moral damages, at exemplary damages.
Naisampa ang kaso ng PNP Women and Children Protection Center matapos akusahan ni Parojinog si Noceda ng pangmomolestiya sa kanya noong 2020 habang nakakulong at nasa pangangalaga ng PNP Custodial Center sa Camp Crame. Nakulong si Parojinog dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga at illegal firearms matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanilang bahay noong Hulyo 2017, kung saan napatay ang kanyang ama na si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 iba pa.
- Latest



















