^

Dr. Love

Si kumare ang kabit ni mister

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa akong domestic helper dito sa Hong Kong at naiwan sa ‘Pinas ang mag-ama ko. Kwento sa akin ng anak ko ay may nobya na ang mister ko.

Noong una ay binabalewa ko lang ang sumbong ng anak ko. Pero hindi na ako nakatiis nang mismong kaklase ko na ang nagtsismis sa akin.

Nalaman ko ang girlfriend pala na kinalolokohan ng mister ko ay ang kumare namin sa kanto. Napaisip tuloy ako kung papatulan ko na ba ang Afam dito sa HK na nanliligaw sa akin.

Tutal naman pinangangalandakan na ng asawa ko na meron na siyang kabit sa lugar namin.

Tuwing kinokompronta ko ang mister ko sa call ay pinapatayan lang ako ng telepono. Ano ba ang mabuting gawin? Biruin mo nagtitiis at naghihirap ako rito sa ibang bansa, tapos ipagpapalit lang pala ako ng asawa ko sa hudas kong kumare.

Jing

 

Dear Jing,

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagtataksil ng mister mo. Huwag kang magpakamartir. Hindi ko sinasabi na sagutin mo ang manliligaw mo. Kundi bigyan mo ng ultimatum ang mister mo, saka ka magdesisyon na pormal nang makipaghiwalay sa kanya. Huwag mo munang isipin na makipagrelasyon sa iba. Isipin mo muna ang anak mo. Siya ang pagtuunan mo ng pansin sa halip ang taksil mong mister. Saka ka magnobyo kapag tuluyan ka ng malaya sa kanya.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with