^

PSN Showbiz

Vice, Queen of all networks ang bagong title!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice, Queen of all networks ang bagong title!

Maraming project sa MediaQuest

May slight na gulat ang lahat sa pagpirma ng kontrata ni Vice Ganda sa kumpanya ni Mr. Manny Pangilinan, ang MediaQuest.

Sinelyuhan nga ng isang contract signing ang pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda, na tinagurian ngayong “Queen of All Networks,” at MVP Group/MediaQuest.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan ni MVP Group Chairman Manny V. Pangilinan, Vice Ganda, Slingshot Studios Head for Partnerships, People and Business Development Ranvel Rufino, and MediaQuest Holdings President and CEO Victorico P. Vargas.

Ang proyektong VG X MQ ay maghahatid umano ng mga pambihirang opportunity at magbubukas ng daan para sa mga bagong proyekto maging sa TV5.

Sa huli, may mga hindi kapani-paniwalang posibilidad diumano na naghihintay sa nasabing partnership sa pagitan ng entertainment icon at ng higanteng media group.

“I think what we, of course Vice is a very exceptional person, exceptional talent and I’m sure we are all excited about the content he’ll be doing for TV5,” bahagi ng pahayag ni MVP pagkatapos ng contract signing.

Ayon naman kay Vice: “Kung anong nangyayari, bakit nangyayari, kalian mangyayari, ‘yung akala mo ‘yun na ‘yon pero hindi pa rin. I just embrace life everyday. Parang ‘Lord, give mo kung anong meron diyan. Bibigyan mo ako ng a day of fun, a day of another achievement, embrace ko ‘yan,” na ang tinutukoy nga ay ang naganap na contract signing.

Sinabi pa ni Vice Ganda na halos hindi siya makatulog kagabi dahil iniisip niya ang naganap na contract signing.

Wala pang gaanong detalye pero base sa mga pahayag ni MVP, hindi lang sa TV5 ang magiging proyekto ni Vice kundi maging sa ibang kumpanya ni MVP Group.

Few days ago lang nang pumirma ng kontrata si Vice sa ABS-CBN.

“Habangbuhay,” pangako pa niya sa kanyang post pagkatapos pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN noong Biyernes.

Kasabay nito ay bumalik siya sa It’s Showtime matapos magkaroon ng intriga at ipatawag ang programa ng Movie and Television Review and Classification Board.

At nilinaw niya na bakasyon ‘yung biyahe niya sa Vietnam at hindi suspensyon katulad nung ibang kumalat na isyu.

Diumano’y mapapanood na rin si Vice Ganda sa GMA 7, Gandang Gabi Vice.

Unkabogable indeed.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with