200 pamilya nasunugan sa Maynila

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 200 pamilya o 650 indibidwal ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na tumupok sa nasa 150 tahanan sa Malate, Maynila, nitong Miyerkules ng madaling araw.
Dakong alas-1:10 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa pinakaitaas na bahagi ng isang apat na palapag na paupahang bahay, na matatagpuan sa Arellano St. sa Malate, na sakop ng Barangay 739.
Mabilis kumalat ang apoy sa mga kalapit na tahanan na pawang gawa lamang sa light materials.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-3:44 ng madaling araw.
Tuluyang naapula ang apoy dakong alas- 5:40 ng umaga matapos respondehan ng nasa 72 firetrucks.
Ayon sa report, nagsimula ang sunog sa isang rice cooker ngunit kinukumpirma pa ito.
Wala namang naitalang malubhang nasaktan o nasawi sa insidente.
- Latest




















