^

Bansa

P7.2 trilyong 2027 national budget isinumite na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P7.2 trilyong 2027 national budget isinumite na sa Kamara
Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na masusing pag-aaralan ng Kongreso ang panukala upang matiyak na bawat piso ay magbibigay benepisyo sa mamamayan.
BusinessWorld / File

MANILA, Philippines — Naisumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang panukalang P7.2 trilyong national budget para sa 2027, na mas mataas ng 6% kumpara sa nakaraang taon.

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na masusing pag-aaralan ng Kongreso ang panukala upang matiyak na bawat piso ay magbibigay benepisyo sa mamamayan.

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, mas mataas ng P407 bilyon ang panukalang badyet kumpara sa P6.8 trilyon noong 2026.

Sa ilalim ng panukala, pinakamalaking pondo ang nakalaan sa Edukasyon na may P976 bilyon. Kasunod nito ang DPWH - P644 bilyon at DOH - P353.8 bilyon. Kabilang din sa top 10 agencies na may pinakamalaking alokasyon ang DILG (P332.5 B); DND (P328.8-B); Transportation (P302.2-B); Agriculture (P261.7-B); DSWD (P241.6-B; Higher Education (P176.5-B) at Judiciary (P86.3-B).

BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with