^

Police Metro

Beauty queen, nobyo utas sa salpok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang isang beauty queen at nobyo nito nang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang nakaparadang truck sa national highway ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela noong Linggo ng gabi, ayon sa ulat kahapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mutya ng Cauayan 2023 Alexis Ann Ramos, 25-anyos at ang nobyo nitong si James Miguel, 30-anyos.

Sa ulat ng Isabela City Police, nangyari ang insidente sa kahabaan ng highway ng lungsod habang lulan ang magkasintahan ng kotse kung saan hindi umano napansin ni Miguel ang nakaparadang truck na puno ng kargang palay sa tabi ng kalsada.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nagtamo nang matinding pinsala sa katawan ang magkasintahan.

Desidido ang pamilya ng mga biktima  na sampahan ng kasong double homicide ang driver ng truck na umano’y hindi naglagay ng early warning device.

ALEXIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with