^

PSN Opinyon

5 taong pangako, nasaan ang pananagutan?

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

HININTAY, nakinig at umasang muli ang maraming Pili­pino sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos. Ilang mga private sectors, civilians at mga mambabatas ang nanawagan ng mas mali­naw na pananagutan ng administrasyon sa mga problemang kina­kaharap ng bansa.

Kaya sa privilege speech ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar “Egay” Erice, ipinunto nito na matapos ang limang taon ng pamumuno, hindi na lamang umano mga bagong pangako ang hinihintay ng mga Pilipino kundi mga konkretong resulta ng mga naunang ipinangako ng pamahalaan.

Tatlong pangunahing usapin ang gusto ni Erice na ma­bigyan ng linaw. Ito ay ang mga hindi natupad na pangako ng administrasyon, ang umano’y P1 trilyong anomalya sa pambansang badyet at imprastraktura, at ang kakulangan ng makabuluhang repormang pampulitika. Bukod pa ito sa hindi natupad na pangako ng pagkakaisa, pagtatayo ng isang milyong pabahay kada taon, P20 kada kilo ng bigas at mas matibay na kampanya laban sa korapsyon.

Kinuwestiyon din ni Erice ang pagpapatuloy ng subsi­dized rice program sa halip na pagpapatupad ng mas pang­matagalang solusyon na magpapalakas ng agrikultura, magbibigay suporta sa mga magsasaka, lilikha ng trabaho, at magpapataas ng kita ng mga pamilya.

Hindi rin malinaw ang plano ng administrasyon para tugunan ang inflation, palakasin ang sektor ng agrikultura, ayusin ang edukasyon, pataasin ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan, at kontrolin ang lumalaking utang ng bansa.

Sa 2025 SONA ni PBBM noong 2025, standing ovation at walang tigil na palakpak mula sa mga mambabatas ang sinabi ito na, “Mahiya naman kayo” kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control at infrastructure projects. Hiniling niya ang resulta ng mga imbestigasyon at ang pananagutan ng mga sangkot.

Pero bakit hindi nagtatag ng Independent People’s Commission gayundin ang kabiguan na maipasa ang tunay na Anti-Political Dynasty Law na  mahalaga upang mabawasan ang konsentrasyon ng kapangyarihan sa iilang pamilya.

Hanggang sa ngayon ay nakabinbin pa rin ang CADENA Act na layong gawing mas bukas at accountable ang proseso ng pambansang badyet.

Para kay Erice, ang tunay na sukatan ng pamumuno ay hindi ang dami ng pangakong binibitiwan kundi ang bilang ng mga pangakong natutupad at ang tunay na pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with