^

PSN Palaro

Dyip iginarahe ng FiberExers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dyip iginarahe ng FiberExers
Tumirada ng jumper si Fil-Am guard Mikey Williams ng Converge laban sa Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagparada kay balik-import Cameron Clark ay tinapos ng Converge ang apat na sunod na kamalasan.

Iginarahe ng FiberXers ang Terrafirma Dyip, 120-103, para palakasin ang tsansa sa quarterfinals ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumolekta si Clark, da-ting naglaro para sa NLEX at San Miguel, ng 22 points, 5 rebounds, 3 steals at 2 blocks, habang may 20 at 17 markers si Justin Arana.

Nagdagdag sina Juan Gomez de Liano at Jaydee Tungcab ng tig-13 points kasunod ang 12 markers ni Justin Baltazar.

“Nag-usap usap naman ho kami ng mga bata. Kailangan naming mag-regroup, mag-refocus. Iyong mga missing namin, especially on defense, we need to recover,” ani coach Delta Pineda.

Itinaas ng Converge ang kanilang baraha sa 4-4 para solohin ang ikaapat na puwesto sa Group A at inilaglag ang Terrafirma sa 3-5.

Nauna nang tinakasan ng FiberXers ang Dyip sa first round, 105-103.

Matapos isara ang first period sa 38-23 ay hindi na nagpapigil ang Converge at itinayo ang isang 23-point lead, 49-26, mula sa dalawang free throws ni Abueva sa pagbubukas ng second quarter.

Ibinaon pa nila ang Terrafirma sa halftime, 70-48, hanggang iposte ang 85-56 kalamangan sa 7:47 minuto ng third canto.

Sa likod nina import Justin Strings, Juami Tiongson at Joseph Eriobu ay nakalapit ang Dyip sa 81-91 sa pagsisimula ng fourth period.

Ngunit isang 10-0 bomba ang inihulog ng FiberXers tampok ang tig-isang three-point shot nina Clark at De Liano para muling makalayo sa 101-81.

Mula rito ay hindi na bumitaw ang Converge.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with