^

Probinsiya

31 barangay sa Bulacan nalubog, klase sinuspinde

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
31 barangay sa Bulacan nalubog, klase sinuspinde
Bulacan as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines — Umabot sa 31 barangay dito sa lalawigan ang nalubog sa baha, habang 283 pamilya o 970 indibiduwal ang inilikas sa 45 evacuation center sa 11 lokal na pamahalaan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan.

Ayon kay Manuel Lukban Jr., provincial disaster risk reduction management officer ng Bulacan, nasa isa hanggang apat na talampakan ang taas ng tubig sa mga apektadong barangay.

Kabilang sa mga binaha ang isang barangay sa Balagtas, tatlo sa Marilao, apat sa Pandi, at 23 sa Lungsod ng Malolos. 

Dahil sa matinding pagbaha, inilikas ang mga residente patungo sa 45 evacuation center sa mga Lungsod ng Malolos at Baliwag, gayundin sa mga bayan ng Bulakan, Calumpit, Hagonoy, Pulilan, San Rafael, Marilao, Bocaue, Pandi at Guiguinto.

Sinuspinde rin ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ngayong Lunes.

Tiniyak naman ni Col. Jay Baybayan, police director ng Bulacan, na nakahanda ang mga tauhan ng pulisya, katuwang ang iba pang ahensya at mga lokal na pamahalaan, upang magsagawa ng tulong, rescue operation at emergency response sa mga komunidad na apektado ng sama ng panahon.

Samantala, iniulat ng Central Luzon Police Office na nasa 132 barangay sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales ang binaha.

Nananatili ring hindi madaanan ang walong kalsada sa Bulacan at isang kalsada sa Pampanga, habang isang tulay sa Bulacan ang hindi rin magamit dahil sa pagbaha.

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with