^

PSN Opinyon

Nagpuputak na naman si Sec. Remulla

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS bawiin ng apat na ex-Marines kuno na dating staff ni Ako Bicol Partylist rep. Zaldy Co ang kanilang naunang mga salaysay hinggil sa paghahatid ng male-maletang atik kay dating House Speaker Cong. Martin Romualdez aba’y, nagtilamsikan na naman ang laway ni Ombudsman Sec. Jesus Crispin Remulla na may kinalaman umano si dating Speaker umano sa recantation ng apat na “Maleta Boys.” Hehehe! Kaya’t nagbigay na naman ng kalituhan ito sa ating mga kababayan na nalulubog ngayon sa baha dulot nang walang  humpay na habagat na nais na makamtan ang tunay na hustisya sa bilyun-bilyong datung na pinagpyestahan ng mga “buwaya” at “sakim” na mga politiko. Get nyo mga suki?

Ayon sa kumakalat na usap-usapan ngayon, bakit nag­­puputak na naman itong si Remulla at tinukoy kaagad itong si Romualdez gayong ina-evaluate pa ang pagbaligtad o recantation nang apat na maleta boys. Ang dapat na gawin umano ni Remulla ay atasan ang lahat ng mga asset nito upang maarok ang tunay na motibo ng pagbaligtad ng apat na ex-Marines Kuno. ‘Di ba mga suki? Kasi nga kung pangungunahan nitong si Remulla ang patutsada kontra kay Romualdez aba’y, baka pagdating sa huli ay wala na naman besa ang mga tilamsik ng laway nito at lalabas na nagpa-papogi na naman siya sa madlang pipol.

Sa panahon ngayon, nararapat na seryosohin na ang paghambalos sa mga politikong isinasangkot sa anomalya sa Flood Control Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil kung mababawi ang bilyun-bilyong datung at maipakulong itong mga politiko tiyak na malaking datung ang magagamit sa mga napinsala ng baha at mapuputol na ang pamamayagpag ng mga ganid na poli­tiko. Kaya’t nakakatulig itong panawagan ng ilan nating­ nagmamalasakit sa bayan at isinisigaw na “Tama na muna ang Batikusan”! Natutulig na sila sa bangayan at ang nais nila ay mapunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng kumakalam nilang sikmura at nanginginig na katawan dahil sa pagka-babad sa tubig baha. Nararapat lamang na sampahan ng kawing-kawing na kaso ang mga sangkot sa anomalya sa flood control project upang mapanagot ang mga salot at mabawi ang bilyon-bilyong datung na naibulsa nila.

At habang nagpuputak itong si Remulla natural lamang na gaganti rin ng putak itong si Romualdez at baka sa bandang huli ay mauuwi na lamang ito sa aregluhan. Ganyan din sa hanay ng mga Senador sa ngayon na ang bawat panig ay may pambala kontra sa mga anumalyang nabubulgar ng taong bayan. Tumigil muna kayo sa inyong batikusan at patutsadahan, unahin muna ninyong sagipin ang milyon-milyon nating kababayan na kumukulo ang tiyan dahil sa gutom. Hindi kasi solusyon sa kahirapan ang batuhan ng putik ng mga opisyales natin at pagpuputak dahil lalo lamang nagugulo ang isipan ng madlang pipol. Abangan!

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with