^

Police Metro

Luzon, pinadapa ng habagat

Doris Franche-Borja, Joy Cantos - Pang-masa
Luzon, pinadapa ng habagat
Residents use improvised boats while others wade through floodwaters amid torrential rain brought by the enhanced southwest monsoon (Habagat) in Cainta, Rizal on August 9, 2026.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot sa 382,000 katao o katumbas ng 110,000 pamilya sa walong rehiyon sa Luzon ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng habagat at bagyong Luis at Maymay.

Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kabilang sa mga naapektuhan ay ang mga residente sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region, Mimaropa, at Calabarzon.

Nananatili naman sa anim ang naitalang nasawi habang pito ang nasugatan, bagama’t sinabi ng NDRRMC na sasailalim pa ito sa validation.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang residente sa La Trinidad, Benguet dahil sa landslide, dalawa sa Rodriguez, Rizal dahil sa rockslide, at dalawa sa Luna, La Union dahil sa pagkalunod at pagkakuryente.

Pito ang naiulat na nasugatan sa Benguet. Lima sa mga ito ay mula sa Baguio City, isa sa La Trinidad dahil sa landslide, at isa naman sa Kapangan dahil sa aksidente sa sasakyan. Nasa 86 evacuation centers naman ang binuksan upang masilungan ng mga apektadong residente.

Sa tala ng NDRMMC, nasa 2,200 pamilya o 7,300 katao ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center habang 1,132 pamilya o 3,700 katao naman ang nakikituloy o nanunuluyan sa labas ng mga evacuation center.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng pinsala sa 148 bahay, kabilang ang 138 na bahagyang nasira at 10 na tuluyang nawasak.

Umabot naman sa P105.5 milyon ang pinsala sa imprastraktura habang tinatayang P3.53 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with