^

Police Metro

Tricycle sinalpok ng truck: 2 todas, 5 sugatan

John Unson - Pang-masa

Galing sa lamay

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang lima ang malubhng nasugatan matapos na salpukin ang sinasakyan nilang tricycle ng isang 10 wheeker cargo truck sa kahabaan ng National Highway, Purok Acacia, Brgy. New Riza, Purok Acacia, M’lang, Cotabato, nitong Sabado ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival ang mga biktimang sina Jovito Autillo Jr., 54-anyos, tricycle driver; at pasaherong si Yolanda Pares Cordero, 65-anyos.

Habang nagtamo naman ng maselang mga sugat at pasa sa katawan ang mga pasahero na Cicel Autillo, 54; Filenor Sigura; alias “Marlyn,” 12; Joy, 10 at Brian, 10, pawang mga residente ng Brgy. New Janiuay, M’lang, at magkakamag-anak.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-9:00 ng gabi ay sakay ang mga biktima ng tricycle na minamaneho ni Jovito at pauwi na sa kanilang mga bahay mula sa isang lamayan sa Pulang Lupa nang mawalan umano ng kontrol ang driver at napunta sa lane ng 10-wheeler truck sa national highway.

Dahil madilim umano sa nasabing lugar ay hindi na umano nagawa ng truck driver na makapagpreno at malakas na nasalpok ang tricycle na tila latang nayupi.

Ang drayber ng truck na si Edmund Norberte, residente ng Barangay San Emmanuel, Tacurong City na kusang loob na sumuko sa mga otoridad.

Nabatid na galing ng Tacurong City ang minamanehong truck ni Norberto at patungo sana ng Davao City nang maganap ang aksidente.

TRUCK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with