^

Metro

19 wanted tiklo sa 24-hour QCPD ops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 19 wanted persons ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting na 24-Hour Warrant Day Operations noong Agosto 7. Kabilang sa mga nasakote ang pitong Most Wanted Persons (MWPs) at 12 iba pang wanted persons.

Kabilang sa mga naaresto si alyas “Jojo”, 27, No. 10 MWP ng Talipapa Police Station 3, na dinakip dakong alas-12:10 ng madaling araw sa Barangay Talipapa. May warrant of arrest siya dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. May dati rin umano siyang kaso sa parehong paglabag, bukod sa carnapping noong Marso 2026 at robbery noong Mayo 2024.

Nasakote rin ng Criminal Detection and Investigation Unit si alyas “Jek”, 33, No. 6 District-Level MWP at No. 8 MWP ng Anonas Police Station 9. Dinakip siya dakong alas-11:30 ng umaga sa kanyang tahanan sa Brgy. Pansol, Anonas dahil sa warrant kaugnay ng paglabag sa RA 9165.

Samantala, timbog din ang No. 7 at No. 8 MWPs ng Talipapa Police Station 3 na sina alyas “Rei”, 33, at alyas “Cole”, 40. Naaresto si Rei dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Flori­dablanca, Pampanga habang si Cole ay dinakip dakong alas-1 ng madaling araw sa kanyang tahanan sa Brgy. Pasong Tamo, Que­zon City. Kapwa sila may warrant dahil sa paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

Ayon kay QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio, magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kampanya ng pulisya para mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa Quezon City. Hinikayat din niya ang publiko na magbigay ng impormasyon sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, E911 o QC Helpline 122.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with