^

Probinsiya

Pulis patay sa pagsagip sa 2 kasamang nalulunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis patay sa pagsagip sa 2 kasamang nalulunod
Kinilala ang nasawing biktima na si P/Master Sergeant Fernando Marfa, 40-anyos, kasapi ng Cadiz City Police Station.
File

MANILA, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang pulis matapos nitong tangkaing sagipin ang dalawang nalulunod na kasamahan sa malakas na agos ng tubig baha sa isang ilog sa Cadiz City, Negros Occidental nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawing biktima na si P/Master Sergeant Fernando Marfa, 40-anyos, kasapi ng Cadiz City Police Station.

Sa report ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR), naganap ang insdente alas-10:30 ng umaga habang si Marfa kasama ang mga miyembro ng lokal na Bantay Dagat ay nagpapatrolya sakay ng bangka sa ilog sa Brgy. Luna, Cadiz City. Gayunman, dahil sa malakas na agos ay nagsimula nang pasukin ng tubig baha ang bangka sanhi ng malalakas na pag-ulan kung saan dalawa sa mga kasamahan ng nasabing parak ay tinangay ng malakas na agos.

Hindi nag-aksaya ng pagkakataon si Marfa na tumalon sa bangka para sagipin ang dalawang kasama na nagawang makaligtas. Gayunman, tuluyan nang tinangay ng malakas na agos ang bayaning parak.

Nagresponde naman ang pinagsanib na elemento ng Cadiz Component City Police Station at City Disaster Risk and Reduction and Management Office na nagsagawa ng search and retrieval operation hanggang sa marekober ang katawan ni Marfa.

Naisugod pa ang nasabing pulis sa Cadiz District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Kasabay ng kanyang ipinaabot na pakikiramay, pinuri ni P/Brig. Gen. Romano Cardiño, director ng PRO-NIR ang ipinamalas na katapangan ni Marfa na ibinuwis ang sariling buhay para makapagligtas ng iba.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with