^

Probinsiya

261K katao apektado ng TC Luis, Maymay, at habagat - NDRRMC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
261K katao apektado ng TC Luis, Maymay, at habagat - NDRRMC
Inilikas ang mga residente sa mga mababang lugar sa lungsod ng Bacoor, Imus, Dasmariñas, at sa mga bayan ng Kawit, Noveleta, Rosario, Naic, Carmona at Tanza, sa lalawigan ng Cavite matapos na tumaas ang tubig baha dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng habagat.
Cristina Go-Timbang

MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang 261,048 katao ang apektado ng pinagsamang hagupit ng Tropical Cyclones (TC) Luis, Maymay, at southwest monsoon o habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.

Sa report na ipinalabas ng tanggapan ni NDRRMC Executive Director Usec. Harold Cabreros, tumaas na sa 74,755 pamilya o 261,048 katao ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon. 

Kabilang sa mga naapektuhan ng kalamidad ay ang mga residente sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, at Zamboanga Peninsula.

Sa nasabing bilang, 2,519 pamilya o 7,519 katao ang pansamantalang kinakanlong sa 83 evacuation centers sa mga apektadong lugar.

Dahil sa nasabing mga bagyo at habagat, anim katao pa rin ang nasawi na kinabibilangan ng dalawa sa landslide sa Benguet, dalawa sa rockslide sa Rodriguez, Rizal, at dalawa sa La Union na nakuryente at nalunod na mga indibidwal. Nasa 120 kabahayan naman ang napinsala dahil sa mga pagbaha at landslides sa ilang apektadong lugar.

Ayon sa NDRRMC, nasa P105,500,000 na ang pinsala sa imprastraktura at P3,531,97 naman sa agrikultura dulot ng kalamidad.

Nakapamahagi na ang pamahalaan ng P7,378,161 halaga ng ayuda sa mga apektadong pamilya. 

CYCLONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with