Himala: maysakit na ina, gumaling!
(Part 6)
“KAILAN mo pa napansin ang bukol sa suso mo, Mama?” tanong ko na punumpuno ng pagkabahala.
“Noon pa pero hindi ko pinapansin. Ngayon ko lang uli nahawakan at tila lumalaki at nag-iiba ang kulay ng nipple ko.”
Lalo nang gumapang ang kilabot sa pagkatao ko. Kung anu-ano na ang naisip ko.
“Baka breast cancer Mama?”
Hindi sumagot si Mama.
Naupo sa sopa. Walang ginawa. Nanatiling nakaupo lamang.
“Dapat magpa-check-up ka Mama—para malaman kung ano ang bukol na ‘yan.”
Hindi sumagot si Mama.
Nanatiling nakatingin sa kawalan. Walang kurap.
“Magtatanong ako sa barangay health center—baka alam nila kung saan dapat magpakunsulta.”
Saka lamang napatango si Mama.
KINABUKASAN, nagtungo ako sa barangay health center. Habang patungo roon, nagdasal ako kay Mama Mary.
Pagdating ko sa barangay, nakausap ko ang doktor doon. Sinabi kung paano maipatse-tsekap si Mama. Sila ang nagbigay ng referral. Nakahinga ako nang maluwag.
(Itutuloy)
- Latest















