^

Police Metro

Ambuklao at Binga dam umapaw, 8 gates binuksan

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ambuklao at Binga dam umapaw, 8 gates binuksan
This shows the Ambuklao Dam.
Screenshot via PTV Cordillera

MANILA, Philippines — Umapaw na ang tubig sa Ambuklao dam at Binga dam sa Benguet dahil sa patuloy na mga pag-ulan na nararanasan sa nakalipas na 24 oras.

Bunga nito, tig-apat na gate na ang nakabukas sa dalawang nasabing dam para sa magpakawala ng sobrang tubig kahapon.

Sa tala ng PAGASA Dam Monitoring Department, alas-8 ng umaga kahapon ay binuksan ang apat na gate ng Ambuklao Dam  nang may dalawang metro upang makapagpalabas ng 281.20 cubic meters per second (cms) ng tubig,

Kasabay ito ng pagbubukas din sa apat na gate kahapon ng umaga sa Binga Dam nang may 2 metro para magpakawala ng may 317.53 cms ng tubig.

Ayon pa sa PAGASA, ang Luzon at Visayas ay patuloy na makakaranas ng pag-uulan sa susunod na 24 oras dahil sa epekto ng Habagat. Partikular na maulan sa Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan gayundin sa  ­Metro Manila, Ilocos Region, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro at Antique dulot ng habagat. Maulan din sa iba pang mga lalawigan.

AMBUKLAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with