^

Police Metro

Driver na nag-iwan ng mga kabaong sa Manila, arestado

Joy Cantos - Pang-masa
Driver na nag-iwan ng mga kabaong sa Manila, arestado
Sa ulat ng PNP, alas-6 ng gabi nang masakote ang isa sa mga suspect na si Perigrino Miculob, 51-anyos, sa loob ng Marilao Grand Villas sa Loma de Gato sa bayan ng Marilao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga ­elemento ng pulisya ang isang 51-anyos na driver na nag-abandona ng isa sa kabaong sa Sta. Cruz, Manila sa isinagawang operasyon sa Marilao, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng PNP, alas-6 ng gabi nang masakote ang isa sa mga suspect na si Perigrino Miculob, 51-anyos, sa loob ng Marilao Grand Villas sa Loma de Gato sa bayan ng Marilao.

Natimbog si Miculob matapos ang isinagawang backtracking operations ng mga pulis matapos na matukoy sa CCTV footage ang sasakyan nito na sinundan kung saan nagtungo. Dito’y natukoy na isang Toyota Hi Ace van na may plakang NKQ 9818  na ginamit ng suspect sa pagbaba at pagabandona sa mga kabaong.

Sa report ng Manila Police District (MPD), si Miculob ang isa sa driver at ilan nitong kasamahan ang nagbaba ng kabaong sa Sta Cruz habang patuloy naman ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang iba pa ng mga itong kasabwat at ano ang motibo ng ginawa ng mga ito.

Nitong Biyernes ay ipinakalat ang mga kabaong sa limang lugar sa Metro Manila kabilang sa Sta Cruz, Manila, Welcome Rotonda at Boy Scout Circle sa Quezon City gayundin sa Caloocan City at Makati City kung saan may nakasulat ritong mensahe na mga anti-CPP-NPA at anti-China.

Nauna rito, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na tukoy na rin nila ang driver at may-ari ng behikulong ginamit sa pagbaba at pag-abandona sa mga kabaong sa Quezon City na ikinalat sa iba pang mga lugar sa Metro Manila na lumikha ng pagkaalarma sa mga netizens nitong Biyernes.

MPD

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with