^

PM Sports

Eala binalewala foot injury

Chris Co - Pang-masa
Eala binalewala foot injury
Gigil na hinataw ni Pinay tennis ace Alex Eala ang bola laban kay Caty McNally ng US sa Round of 32 ng National Bank Open sa Toronto, Canada.
NBO Toronto

Swak sa Toronto 4th round

MANILA, Philippines —  Hindi sumuko si Alex Eala sa kabila ng pana­nakit ng paa para maitakas ang 6-3, 5-7, 6-4 panalo kay Caty McNally ng Amerika at masiguro ang tiket sa fourth round ng WTA 1000 National Bank Open kahapon sa Sobeys Stadium Centre Court sa Toronto, Canada.

Tumagal ang laban ng dalawang oras at 39 minuto.

Ito ang ikapitong sunod na panalo ni Eala sa singles na nagsimula sa Mubadala DC Open na pinagreynahan nito noong nakaraang linggo sa Washington DC.

Target ni Eala na mai­pagpatuloy ang matikas na ratsada nito sa pagharap kay world No. 14 Belinda Bencic ng Switzerland sa fourth round na lalaruin sa Lunes.

Kaya naman may pagkakataon pa si Eala para makapagpahinga.

Tiniyak naman ni Eala na walang dapat ipangamba sa kanyang kalagayan.

“I kind of rolled my ankle in that second set. Like, I hit the forehand and I landed kind of wrong. It was no serious problems,” ani Eala.

Kinailangan ni Eala na kumayod ng husto sa kabila ng pananakit ng kanang paa upang masiguro ang pag-entra sa susunod na round.

Hindi na sana tumagal ang laban nang makuha ni Eala ang 5-4 kalamangan sa second set.

Subalit nagkaroon si Eala ng medical timeout kung saan nilagyan ng tape ang kanang paa nito.

Agad naman itong sinamantala ni McNally nang kubrahin nito ang tatlong sunod na games para maipuwersa ang third set.

Mabilis naman na na­kabalik sa porma si Eala matapos makakuha ng lakas mula sa mga Pinoy fans na patuloy ang pagsuporta sa kanya.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with