^

Dr. Love

Anak na nakalimot sa magulang

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Melds. Isa po akong ina na hindi ko akalaing darating ang panahong ako naman ang mangangailangan ng tulong sa sarili kong anak.

Pinalaki namin siya ng kanyang ama nang buong pagmamahal. Isinakripisyo namin ang aming mga pangarap para mapagtapos siya ng pag-aaral.

Ngayon ay maganda na ang kanyang trabaho at maayos na ang buhay. Pero sa tuwing kailangan namin ng kaunting tulong, lagi niyang sagot, “responsibilidad n’yo ang buhay n’yo, hindi ko obligasyon ang buhay ninyo.”

Hindi naman po kami humihingi ng luho. Minsan gamot lang, pambayad ng kuryente, o kaunting panggastos habang naghihintay ng pensiyon.

Mas masakit pa sa kakulangan ng pera ang maramdamang tila wala na kaming halaga sa anak na minsan naming pinuyatan at ipinag-laban.

Dr. Love, mali po ba na umasa kami? O panahon na bang tanggapin namin na may mga anak na nakakalimot sa utang na loob kapag nakaangat na sa buhay?

Melds

Dear Melds,

Hindi man obligasyon ng anak na akuin ang buong buhay ng kanyang mga magulang, hindi rin matatawaran ang utang na pagmamahal at sakripisyong ipinuhunan ng mga ito.

Ang pagtulong ay hindi lamang tungkol sa pera; ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga at pasasalamat.

Kapag may kakayahan ang anak ngunit pinipiling talikuran ang mga magulang na tunay na nangangailangan, nawawala ang diwa ng pamilya.

Ngunit sa panig naman ng mga magulang, mahalagang igalang din ang kakayahan at sitwasyon ng anak.

Ang pagtulong ay hindi dapat bunga ng pamimilit kundi ng pusong marunong lumingon sa pinanggalingan.

Sana’y magkaroon kayo ng pagkakataong mag-usap nang walang sumbatan.

Minsan, ang hindi nasasabi ang siyang pinakamabigat dalhin.

At sa lahat ng anak na nagbabasa nito, tan-
daan ninyo...darating ang panahon na ang lakas ng inyong mga magulang ay magi-
ging alaala na lamang.  Habang naririyan pa sila, iparamdam ninyo na hindi nasayang ang lahat ng kanilang isinakripisyo para sa inyo.

Mahalaga rin alalahanin na ang tagum-pay  na nagtatagal sa anumang karera ng buhay at nag-uugat sa pangako ng Maykapal, na parangal ang mga magulang.

Ang pagbabalewala sa magulang ay pagsasawalang bahala sa biyaya ng pamilya na kailan man ay hindi mapapantayan ng kahit anong kahalaga.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with