^

Metro

5 ataul may ‘anti-China’, ‘anti-CPP’ ikinalat sa Metro Manila

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
5 ataul may ‘anti-China’, ‘anti-CPP’ ikinalat sa Metro Manila
Ang kabaong na may ‘anti-China’ at ‘anti-CPP’ na iniwan ng hindi pa matukoy na grupo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
CTTO


MANILA, Philippines — Limang abandonadong kabaong na may mga anti-China at anti- Communist Party of the Philippines na mensahe ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila kahapon.

Sa inisyal na ulat, inabandona ng mga nakasuot na mask na mga lalaki at isang babae, at sakay ng gray at puti na ban dakong alas-2:00 ng madaling araw ang limang ataul sa bahagi ng Rizal Ave. Ext., Sta. Cruz, Manila; sa Brgy. 54, Caloocan City; Brgy. South Triangle, Quezon City; Brgy. Sta. Teresita, Quezon City; at Gil Puyat, Makati City.

Nakita sa mga kabaong ang mga larawan ng Pangulong si Xi Jinping at iba pang opisyal ng China.

“NCRPO is treating these incidents as deliberate acts intended to attract attention, provoke public reaction, and possibly create unnecessary alarm. Police units across Metro Manila have been directed to strengthen vigilance and prevent any similar occurrence while the investigation continues,” sa pahayag ng NCRPO.

Inutos naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang masu­sing imbestigasyon sa insidente kasabay ng panawagan sa publiko na maging kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon at agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

Kasalukuyan na ring nire-review ng NCRPO ang mga CCTV footages upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga responsable. Anang NCRPO, tinatrato nila ang insidente bilang “deliberate acts” upang makakuha ng atensyon, magdulot ng public reaction at lumikha ng pangamba.

Dahil dito, inatasan ang mga police units sa Metro Manila na paigtingin ang pagbaban­tay at tiyaking hindi na mauulit ang katulad na insidente.

Iginiit ng NCRPO na hindi palalampasin ang naturang insidente at tiniyak na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod nito kapag natapos ang imbestigasyon.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with