Bigtime rollback, asahan sa sunod na lingo

MANILA, Philippines — Mababawasan na ang matinding epekto sa mga motorista ng sobrang taas ng presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Ito’y dahil sa inaasahang bigtime rollback sa presyo ng petrolyo na ipatutupad simula sa Martes, Agosto 11.
Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) trading at foreign exchange averages sa nagdaang apat na araw na galaw ng presyuhan ng petrolyo, aabutin ng mula P4.50 hanggang P5.00 per liter ang bawas presyo sa diesel at mula P4.50 hanggang P5.00 per liter ang bawas presyo ng gasolina.
Ang oil price adjustment ay dulot na rin ng inaasahang pagkakasundong muli ng US at Iran kaugnay ng geopolitical conflict.
Nitong nakaraang Agosto 4, nagtaas ang mga kompanya ng langis ng 73 centavos per liter sa gasolina at 60 centavos per liter sa diesel samantalang P2.09 per liter sa kerosene dulot na rin ng tension sa middle east at pagbagsak ng piso kada dolyar.
Umaasa naman ang iba’t ibang transport groups na hindi na magpapatuloy ang taas-presyo ng petrolyo ngayong ibababa na ang presyo nito.
- Latest



















