^

Bansa

Castro: VP Sara namemersonal kapag hindi makasagot?

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Castro: VP Sara namemersonal kapag hindi makasagot?
Palace Press Officer Claire Castro during a press briefing.
STAR / File

MANILA, Philippines — “Kapag hindi niya nasasagot ang aking mga nasasabi, magsisimula na siyang mamersonal at manira ng walang basehan. Hindi iyan professional.”

Ito ang buwelta ni Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kay Vice President Sara Duterte tawaging “unprofessional” ng pa­ngalawang pangulo.

Giit niya, bilang Pa­lace Press Officer, tungkulin niyang ipaalam sa publiko ang mga proyekto at programa ng Pangulo at ng administrasyon, gayundin ang pagsugpo sa maling impormasyon. ­Aniya, sumasagot lamang siya sa mga walang basehang akusasyon laban sa Pangulo at sa gobyerno, at laging may kalakip na ebidensya.

Dagdag pa ni Castro, ang tunay na professional ay nakikita sa gawa at hindi sa salita lamang. Ang isang lider na propesyonal, ayon sa kanya, ay nananatili sa bansa upang mamuno lalo na sa oras ng kalamidad, sumusunod sa batas, hindi gumagamit ng dahas, at humaharap sa mga akusasyon gamit ang malinaw na ebidensya.

“Tumulong sa pag-unlad at hindi nagiging dahilan ng pagbagsak ng pamahalaan,” pahayag pa ni Castro.

Kung susuriin ­umano ang pamantayan ng propesyonalismo at pananagutan, malaki ang kakulangan ni Vice President Duterte sa pagpapakita ng mga ito.

PCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with