‘Eala mania’ nasa Canada na
MANILA, Philippines — Nasa Toronto, Canada na ang ‘Eala mania’ kung saan soldout agad sa loob ng isang oras ang mga tickets para sa laban ni Pinay tennis ace Alex Eala sa National Bank Open.
Mismong ang mga organizers ay nagulat sa kaliwa’t kanang inquiries sa oras at laban ni Eala.
Kaya naman nang inanunsiyo ang petsa at oras sa laban ni Eala sa Round of 64 kontra kay Alycia Parks ng Amerika, ubos agad ang tickets dahilan para magpasya ang mga organizers na ilipat ang venue nito sa center court.
Hindi naman binigo ni Eala ang lahat matapos itarak ang 6-1, 4-6, 6-2 panalo laban kay Parks.
Kaya naman umuwing masaya ang mga Pinoy fans.
Dahil dito, inaasahang magiging pukpukan na naman ang pagbili ng tickets sa Round of 32 match ni Eala na lalaruin sa Sabado (oras sa Maynila).
- Latest






















