^

Punto Mo

Biglaang pagre-resign maari bang gawin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Bagong empleyado lang ako at wala pang pinipirmahang contract. Puwede ba akong mag-resign at hindi na magre-render ng 30 days? — Daniel

Dear Daniel,

Sakop ka ng Article 300 (dating Art. 285) ng Labor Code na nagsasabing ang isang empleyado ay maaaring tapusin ang kanyang employment sa pamamagitan ng pagbibigay ng written notice sa employer ng hindi bababa sa 30 araw bago ang huling araw ng trabaho. Tinatawag itong 30-day notice rule na kailangang sundin maliban na lamang kung may waiver o may valid cause para sa immediate o agarang resignation.

Sa ilalim ng batas, may karapatan ang employer na ipatupad ang 30-day notice, ngunit maaari rin nila itong i-waive. Mahalaga lamang tandaan na kung aalis ang empleyado ng hindi nagbibigay ng sapat na notice, maaaring maghabol ang employer para sa danyos kung mapapatunayang nagdulot ng aktwal na pinsala sa negosyo ang biglang pag-alis ng empleyado, katulad ng pagkaantala ng operasyon o pagkalugi.

Kahit ang mga probationary employees ay nasasaklaw din ng parehong patakaran. Ang tanging pagkakataon lamang na maaaring umalis kaagad ang empleyado ay kung may just cause for immediate resignation, tulad ng seryosong pang-aabuso at iba pang acts of misconduct ng employer. Sa madaling sabi, kahit walang written contract, hindi ka basta-basta makakaalis nang walang notice. Ang 30-day rule sa ilalim ng Labor Code ay umiiral bilang proteksiyon sa negosyo at upang magkaroon ng maayos na transition, kaya kung nais mo talagang iwanan ang iyong kasalukuyang employer nang mas maaga, maaari kang humiling sa employer ng maikling rendering o agarang release, ngunit dapat ito ay malinaw na naaprubahan at nakasukat. Kung walang pahintulot o waiver, mabuting sumunod na lamang sa sinasabi ng batas at sundin ang 30-araw na abiso.

RESIGNATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with