^

Bansa

Fuel subsidy sa PUVs itinaas sa P12/L

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Fuel subsidy sa PUVs itinaas sa P12/L
Motorists refuel their vehicles at a gasoline station near Anda Circle along Kalaw Avenue, Manila on March 6, 2026.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Simula Agosto 15 ay ipatutupad ang P12 bawas kada litro ng petrolyo para sa sektor ng transportasyon.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, makikinabang ang mga PUV drivers ng hanggang P1,800 kada linggo mula sa bagong diskwento, dagdag pa sa naunang P10 kada litro na ini­lunsad noong Abril na nakatulong na sa mahigit 93,000 drivers.

Ang desisyon ay napagkasunduan sa pulong na pinangunahan ni Recto kasama sina Budget Sec. Kim de Leon, DPWH Sec. Vince Dizon, DSWD Sec. Rex Gatcha­lian, Transportation Sec. Giovanni Lopez, DepEd Sec. Sonny Angara, DOH Sec. Jose Pujalte Jr., at Agriculture Undersecretary Roger Navarro.

Tinalakay sa pulong ang pagpapatibay ng mga hakbang ng gob­yerno upang protektahan ang ekonomiya, pigilan ang pagtaas ng presyo, at matiyak ang suporta para sa mga sektor na tuwirang naapektuhan ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Bukod dito, inatasan ni Recto ang DSWD na tiyaking maipapamahagi ang UPLIFT assistance sa mga magsasaka, mangingisda, mga manggagawa sa transportasyon at konstruksyon, at iba pang mababa ang kita.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi iiwanan ng gobyerno ang mga pinakaapektado ng pandaigdigang krisis lalo na ang transportasyon at agrikultura.

FUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with