Reso para sa SB19, inihain sa Kamara
MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyon si Negros Occidental Third District Representative Javier Miguel L. Benitez upang bigyang pagkilala ang Pinoy Pop supergroup na SB19.
Ito ay kasunod ng pagkakatalaga ng Department of Tourism (DOT) sa SB19 bilang mga tourism ambassadors, at ng kanilang makasaysayang matagumpay na performance sa Lollapalooza 2026 at Major League Baseball.
Noong Hulyo 26, pinangalanan ng DOT ang SB19 bilang pinakabagong tourism ambassadors, batay na rin sa kanilang 2021 appointment bilang Youth at Sentro Rizal Ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts.
Binibigyang-diin din sa resolusyon na ang kasuotan ng grupo sa kanilang pagtatanghal ay hango sa iba’t ibang elementong Pilipino — mula sa Ayala Museum’s “Gold of Ancestors” collection, Ifugao brass pendants, hanggang indigenous embroidery patterns.
Nakapaloob din sa resolusyon ang kahilingang maipadala ang mga kopya nito sa mga miyembro ng SB19.
- Latest



















