Bato ‘namataan’ sa Mindanao – DILG
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nagsasasagawa na rin sila ng beripikasyon sa report na namataan sa Mindanao si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Remulla, ang lahat ng impormasyon na kanilang natatanggap ay sumasailalim sa validation katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Subalit ang report na nahuli na si Dela Rosa ay isa umanong fakenews.
Binigyang-diin ni Remulla na nananatiling transparent ang mga awtoridad kung may ginawang paghuli sa Senador at may sinusunod anyang judicial process hinggil dito.
“He will be booked, he will be made to appear in court, then dadalhin for extradition,” sabi pa ni Remulla
Si Dela Rosa ay may outstanding warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa naging papel nito sa war on drugs nang panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ang hepe ng Philippine National Police (PNP)
- Latest























