^

Punto Mo

Himala: Maysakit na ina, nakaligtas! (part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

LIMANG taong gulang ako nang iwan kami ni Mama ng ­aking ama dahil sa ibang babae. Mula noon, si Mama na ang bumuhay sa akin. Nagtitinda siya sa palengke ng isda, karne at gulay.

Kapag Sabado at Linggo ay tinutulungan ko si Mama sa pagtitinda. Pero tutol si Mama at ang asikasuhin ko na lamang daw ay ang pag-aaral ko. Kailangan daw pagbutihin ko ang pag-aaral.

“Mary, pagsikapan mong manguna sa klase para makakuha ka ng scho­larships. ‘Yan lang ang ­tanging paraan para tayo makatakas sa kahirapan. Pagbutihin mo. Hayaan mo na lang ako rito sa palengke,” sabi ni Mama at saka umubo.

“Opo Mama.”

“Huwag mong kalilimutang magdasal kay Mama Mary. Mamaya, pagkagaling mo sa school, bumili ka ng dalawang tuhog na sampagita at isa­sabit natin kay Mama Mary na nasa ating altar.”
“Opo Mama.”

Matagal nang deboto si Mama ni Mama Mary. Dahil sa pagmamahal niya kay Mama Mary, isinunod niya rito ang aking pangalan na MARIA ANGELA.

Nakaugalian ko na mula noon na araw-araw ay bumili ng sariwang sampagita at isinasabit kay Mama Mary. Pagkatapos ay magdarasal ako at hinihiling na maging ligtas kami ni Mama sa lahat ng oras. (Itutuloy)

VEGETABLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with