^

Bansa

Revilla, pinayagan P1 milyong piyansa sa flood control case

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Revilla, pinayagan P1 milyong piyansa sa flood control case
Former senator Bong Revilla arrives at the Sandiganbayan which later ordered his detention at the New Quezon City Jail in Payatas following his surrender.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ng kampo ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapaglagak ng piyansa kaugnay ng kasong malversation na may kinalaman sa P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Kinumpirma ito ni Atty. Dennis Pulma, Clerk of Court ng Third Division, ngunit ibina­sura ng graft court ang kahalintulad na bail petition ng mga kapwa-akusado ni Revilla.

Ayon sa Sandiganbayan, pinayagan si Revilla na makapagpiyansa dahil nabigo ang prosekusyon na magpakita ng matibay na ebidensya ng pagkakasala ng dating senador.

Nauna nang nagpasok ng not guilty plea si Revilla sa arraignment ng Third Division para sa kasong malversation, habang ang kanyang mga kapwa-akusado ay pawang nagpasok din ng not guilty plea.

Nagkakahalaga ng P1 milyon ang piyansa para sa kasong malversation ni Revilla.

Samantala, sa hiwalay na kaso ng graft na may kaugnayan din sa naturang ghost project, ang Sandiganbayan Fourth Division ang nagpasok ng not guilty plea para kay Revilla.

Sa kasalukuyan, nakakulong si Revilla sa Que­zon City Male Dormitory sa Payatas, Quezon City.

BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with