^

Bansa

Pag-apruba sa LEDAC bills iraratsada ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahanda na para sa pinal na pag-apruba ang mga prayoridad na panukalang batas sa pagbubukas ng Ikalawang Regular na Sesyon ng Kamara ngayong Lunes, Hulyo 27 kasabay ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasunod ito ng tagumpay ng Unang Regular na Sesyon kung saan mahigit 160 panukalang batas ang naipasa sa Senado, at 26 sa 52 prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang naaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa.

Ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, patunay ang mga nakahandang panukala na tuluy-tuloy ang trabaho ng Kamara kahit sa panahon ng recess, at handa na itong agad pagbotohan.

Giit ni Marcos, ma­linaw ang agenda para sa kaunlaran na inilatag ni Pangulong Marcos, at pinangungunahan ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang Kamara upang maisulong ito mula komite hanggang plenaryo.

Sa simula ng Ika-20 Kongreso, 44 na panukala ang inilagay sa Common Legislative Agenda, na kalaunan ay binawasan ng LEDAC sa 21 prayoridad na naka­tuon sa social protection, ekonomiya, pamamahala, at serbisyong pampubliko.

Ang dalawang panukalang ihahain ay ang mga amyenda sa Cooperative Code na layong palawakin ang kabuhayan, akses sa pautang, at oportunidad sa merkado para sa mga kooperatiba at komunidad; at paglikha ng National Thanksgi­ving Day na nakatuon sa pagpapalakas ng pambansang pagkakaisa at pagpapahalagang sibiko.

Tiniyak ng liderato ng Kamara na nakahanda na ang mga committee report at naipamahagi na ang mga kopya ng panukala upang agad maisalang sa plenaryo. Kapag naaprubahan, agad itong maipapadala sa Senado para sa kaukulang deliberasyon, bilang bahagi ng layunin ng Kapulungan na maisabatas ang mga pa­ngunahing prayoridad ng administrasyon sa pagbubukas ng bagong sesyon.

LEDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with