^

Bansa

ICC Prosecutor Khan sibak sa sexual abuse

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ng International Criminal Court (ICC) si Prosecutor Karim Khan matapos ang alegasyon ng sexual abuse laban sa isang babaeng miyembro ng kanyang staff.

Si Khan, 56-anyos, ay sinuspinde noong nakaraang buwan ng pa­ngunahing pamunuan ng ICC bago isinagawa ang secret ballot. Sa natu­rang botohan, 82 sa 125 miyembrong estado ang bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Khan dahil sa serious misconduct at serious breach of duty.

Nabatid na 13 estado lamang ang bumoto para manatili si Khan sa puwesto sa isinagawang closed-door session sa United Nations headquarters sa New York.

Ayon sa kanyang abogado, kukuwestyunin ni Khan sa lahat ng legal na mekanismo ang desisyon ng ICC.

Matatandaan na noong Mayo 2025 ay pansamantalang bumaba si Khan sa puwesto upang harapin ang alegasyon ng sexual abuse na inihain ng isa sa kanyang babaeng kasamahan, matapos ang isinagawang imbestigasyon noong parehong taon.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with