Libreng kolehiyo pinalawak

UAQTEA pirmado na
MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inamyendahang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) na layong palakasin ang suporta ng gobyerno sa mga estudyanteng kapos-palad.
Sa ceremonial signing, binigyang-diin ng Pangulo na ang reporma ay nakatuon sa mga higit na nangangailangan, partikular ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay Marcos, umakyat na sa 2.6 milyon ang bilang ng Free Higher Education Beneficiaries ngayong unang semestre mula sa dating dalawang milyon.
“Ang edukasyon ang susi sa kakayahan at kaunlaran, kaya ito ang pangunahing prayoridad ng administrasyon,” giit ng Pangulo, kasunod ng kanyang pahayag sa SONA.
Inatasan din niya ang CHED, TESDA, UniFAST, at iba pang ahensiya na tapusin agad ang implementing rules and regulations upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng batas. (
- Latest






















