^

Police Metro

‘Irrelevant questions’, nagpapabagal sa impeachment trial - Lacson

Malou Escudero - Pang-masa
âIrrelevant questionsâ, nagpapabagal sa impeachment trial - Lacson
Senator-judge Ping Lacson
Screenshots / Senate

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni ­Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson na ang mga “irre­levant questions” ng ilang senator-judge ay nagpapabagal sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio, habang sinusubok ang pasensya ng mga sumusubaybay sa mga pagdinig.

Bagama’t pinagbibigyan ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero ang kanyang mga kapwa senator-judge bilang paggalang, dapat din silang maging “discerning” upang matukoy kung alin sa mga tanong ang nararapat sa mga pagdinig.

Sinabi ni Lacson na makatutulong ang ­regular na caucus nang lahat ng senator-judge upang matugunan ang isyu, dahil magsisilbi itong palagiang paalala sa wastong asal at sa mga uri ng tanong na dapat ihain sa panahon ng paglilitis.

Aniya, bagama’t ang ­ilang irrelevant questions ay maaaring bunga ng emos­yon o personal na pagkiling sa panig ng prosekusyon o depensa, makatutulong ang mga caucus na ipatatawag ng Senate President at Presiding Officer upang paalalahanan ang mga senator-judge na manati­ling objective.

Sinabi rin ni Lacson na napakabagal ng takbo ng impeachment trial sa kabila ng desisyon ng prosekus­yon na bawasan ang bilang ng mga testigong ihaharap nito.

PANFILO “PING” LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with