^

PM Sports

Titan Ultra nakaisa sa TNT

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Titan Ultra nakaisa sa TNT
Tumira ng jump shot si Titan Ultra import Tirrell Brown laban kay TNT Tropang 5G forward Paul Varilla.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nakabingwit ng ma­laking isda ang Titan Ultra para sa higanteng unang panalo nito kontra sa reig­ning champion na Talk ‘N Text, 103-87, sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Sumakay ang Giant Risers sa 31-17 ratsada sa 2nd quarter at hindi na lumingon pa tungo sa pambihirang 17-puntos na panalo matapos sumemplang sa unang 3 salang sa  Group A.

Walang import ang Titan Ultra sa mga unang sabak at nakakuha ngayon ng 29 puntos at 10 rebounds na double-double sahog pa ang 5 assists at 3 steals mula kay Tirrell Brown.

Nakaagapay niya sina Jerrick Balanza, Bryan Sajonia at Joshua Munzon na may tig-13 puntos habang may 10 puntos si Aris Dionisio.

Nagdagdag din ng tig-9 puntos sina Roi Sumang at Pao Javillonar para sa balanseng atake ng mga bataan ni coach Rensy Bajar.

Naunang yumukod ang Giant Risers sa mga tambak na kabiguan kontra sa Terrafirma, 113-100, Converge, 105-74, at NLEX, 135-100.

Subalit hindi sa nagdedepensang kampeon na nilamangan lang sila sa 11-7 at nanlamig na.

Nakalayo sa 58-48 ang Giant Risers sa halftime at umabante pa ng hanggang 22 puntos, 90-68, tungo sa malaking tagumpay.

Tanging sina Darius Days, Kim Aurin at Roger Pogoy na may 21, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, ang umiskor para sa mga tropa ni coach Chot Reyes na nalaglag sa 1-1 kartada.

Matatandandang nakalusot lang din sa 106-103 panalo kontra sa Macau ang TNT na iniinda pa rin ang kawalan nina Calvin Oftana, Jayson Castro, Brandon Ganuelas-Rosser at Poy Erram dahil sa ibat’-ibang injuries.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with