Enderun buhay pa sa semis slot

MANILA, Philippines — Colleges ang kanilang pag-asa sa Final Four matapos talunin ang Vietnamese guest team Ho Chi Minh City Volleyball Club, 25-16, 29-27, 25-16, sa 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Pumalo si Althea Botor ng 14 points mula sa 12 attacks, isang kill block at isang service ace para sa 1-3 record ng Lady Titans.
Nagdagdag si Michaella Ma ng 11 points sa torneong suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Laglag ang mga Vietnameses sa 0-4 marka at nakahugot kay Le Thi Diem Phoung ng 20 points.
Sa unang laro, tuluyan nang inangkin ng University of Santo Tomas ang No. 1 berth sa semis matapos walisin ang Australian guest team Southern Storm Melbourne, 25-20, 25-14, 25-9.
Hinataw ng Golden Tigresses ang ikaapat na sunod na panalo tampok ang 14 points ni veteran Angge Poyos sa kanilang paglapit sa pagwalis sa elimination round.
Nagdagdag sina Regina Jurado at Marga Altea ng tig-walong marka para sa UST.
Bagama’t nalasap ang unang kabiguan sa apat na laro ay swak na rin ang Southern Storm sa semis matapos ang 25-15, 26-24, 20-25, 24-26, 15-12 panalo sa HCM noong Miyerkules.
- Latest
















