‘Bopol’ na senator-judge binira ni Lacson

MANILA, Philippines — Binira ni Sen. Ping Lacson ang paraan ng pakikipag-diskusyon ng ilan sa kanyang mga kapwa senator-judges sa gitna ng impeachment trial laban ni VP Sara Duterte.
Sa isang post sa X, sinabi ni Lacson na “enjoyable” pakinggan kapag ang mga abogado ng prosekusyon at depensa ay magagaling dahil marami ang natututunan.
Pero ang problema aniya ay kapag “bopol” ang isang senator-judge na sinundan niya ng “it’s just plain stupid”.
Gayunman, hindi pinangalanan ni Lacson sa kanyang post kung sino ang tinutukoy niyang senator-judge na isang “bopol”
Inilarawan din ni Lacson bilang isang “awkward and shameful” na karanasan ang makita ang isang hukom na tila pinapangaralan ng isang abogado sa gitna ng paglilitis.
- Latest

















