VP Sara lumabas muna ng Pinas
MANILA, Philippines — Umalis na ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte para sa isang multi-country overseas trip.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press officer Atty. Claire Castro na inisyuhan ng ehekutibo ng travel authority ang Bise Presidente mula Hulyo 16 hanggang 31, 2026.
Kabilang sa kanyang itinerary ang pagbisita sa Qatar, United Kingdom, at The Netherlands, kung saan siya ay makikipagpulong sa mga Filipino community at dadalo sa iba pang opisyal na pagtitipon.
Ayon sa OVP, personal at official engagements ang layo ng biyahe at walang pondong gobyerno ang gagamitin.
Kasabay ng kanyang pag-alis ang pagpapatuloy ng kanyang impeachment trial sa Senado.
- Latest
















