Flood control projects sa Taguig City, iimbestigahan ng NBI
MANILA, Philippines — Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang mga flood control projects sa Taguig City.
Ito ang kinumpirma ng NBI Director Melvin Matibag na noong 2022 ay mayroon umanong 11 proyekto sa lungsod si Senador Alan Peter Cayetano na sinasabing may iregularidad.
May koneksyon umano ito sa pinangalanan Top 15 contractors nakakuha ng flood control projects aabot at iginiit na hindi pulitika, kundi batayan sa pag-iimbestiga ang mga dokumento, ebidensya at testimonya.
Depensa naman ni Matibag para sa mga magkukwestyon sa ‘timing’ ng imbestigasyon, giit niya’y una na itong nasabi ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson.
Magugunitang ang naturang senador ang nagsiwalat ng alegasyon kasunod nang akusahan ni Cayetano na dumoble ang ‘net worth’ ayon sa Statement of Assets, Liabilities and Networth noong 2025.
Subalit, pinabulaanan lamang ng senador ang umano’y ghost flood control projects sa Taguig City at hinamon ito na huwag lamang tutukan ang naturang lungsod kundi imbestigahan maging ang iba pa.
- Latest

















