^

Probinsiya

Ama susundo ng anak, inutas ng sekyu sa iskul

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ama susundo ng anak, inutas ng sekyu sa iskul
Sa ulat, nilapitan at binaril sa ulo ng naka- bakasyong guwardiya ng paaralan ang tatay ng Grade 3 pupil na susundo sa pauwing anak sa paaralan.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Dead-on-the-spot ang isang 30-anyos na tatay na susundo lang sa kanyang estudyanteng anak nang malapitang barilin ng isang guwardya sa harap ng paaralan sa Barangay Prinza, Teresa, Rizal nitong Huwebes.

Sa ulat, nilapitan at binaril sa ulo ng naka- bakasyong guwardiya ng paaralan ang tatay ng Grade 3 pupil na susundo sa pauwing anak sa paaralan.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon sa guard on duty sa paaralan, naki­ pag-usap pa sa kanya ang suspek na naka-VL (vacation leave) bago ginawa ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing nagkaroon ng alitan ang  suspek at biktima noong nagdaang  linggo nang sitahin ng suspek ang biktima sa pagpasok sa loob ng paaralan.

Makaraan ay nagkaayos na rin umano ang suspek at biktima at nagkamayan pa. Humingi pa umano ng pasensya ang suspek sa biktima at nagkaayos. Gayunman, hindi umano akalain ng pamilya ng biktima na gagawin ng suspek ang krimen.

Dahil sa nangyari, nagdesisyong gawing­ modular muna ang pasok ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

Patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad sa tumakas na suspek.

GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with