^

PSN Palaro

Mangrobang, Ellis babandera sa Philippine triathlon team sa Asiad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mangrobang, Ellis babandera sa Philippine triathlon team sa Asiad
Kira Ellis

MANILA, Philippines — Babanderahan nina veteran Kim Mangrobang at rising star Kira Ellis ang Philippine national triathlon team sa pagsabak sa parating na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa Setyembre.

Sasalang ang 34-an­yos na si Mangrobang sa mixed relay event, habang lalahok ang 17-anyos na si Ellis sa women’s individual kagaya ni Raven Alcoseba.

Hindi pa nananalo ng medalya si Mangrobang sa Asian Games bagama’t mayroon siyang limang gold medals sa Southeast Asian Games sa individual (tatlo), mixed relay (isa) at women’s team relay (isa).

May tatlong silver din siya sa SEA Games sa individual (dalawa) at mixed relay (isa).

Kakampanya naman sina Fer Casares Tan at Aki Lorbes sa men’s individual division ng Aichi-Nagoya Asiad na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Kasalukuyang nag­sasa­nay ang mga Pinoy triathletes sa Spain, Portugal, Indonesia at China bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa continental meet.

Wala pang nakukuhang medalya ang Pilipinas sa triathlon sa Asian Games simula nang maisama sa calendar of events noong 2006 sa Doha, Qatar.

Sa nakaraang edisyon ng Asiad noong 2023 sa Hangzhou, China ay nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng kabuuang apat na ginto, dalawang pilak at 12 tansong medalya para tumapos sa No. 17 sa overall medal standings.

Ang apat na golds ay nagmula sa Gilas Pilipinas men’s team at kina pole vaulter EJ Obiena at jiu-jitsu artists Meggie Ochoa (women’s -52 kg) at Annie Ramirez:(women’s -57 kg).

TRIATHLON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with